Sunday, October 17, 2010

'Di maarok,
'Di matalos,
Walang sukat,
Walang wakas;
Isang pitik
Mo ay lintik,
Isang bulong
Ay dagundong.

Iyong batid
Bilang, dami
Ng buhangin,
Ng bituin;
Hindi lingid
Sa paningin
Ang damdamin,
Ang dalangin.

Nandito Ka,
Nandoon Ka,
Nasa taas,
Nasa baba,
Sa silangan,
Sa kanluran,
Kahit saan,
Kailanman.