Saturday, November 27, 2010

Udyok

Nakabaluktot
sa isang sulok,
katabi'y lungkot
nang may kumatok.

Pinto'y binuksan,
ika'y sumilay;
at pinawisan
ang aking kamay.

Hatid mo'y buhay,
dugo sa laman;
pero lahat ay
panandalian.

Pumapasok ka
sa balintataw,
sumusuot ka
sa gunamgunam.

Ako'y nalango
sa iyong samyo,
ako'y nagumon
sa ritmo't alon.

Gustong lumipad
ika'y takasan
nguni't kaladkad
ng kamunduhan.

Nabilanggo o
nagpabilanggo
sa hawlang ito
na 'di sarado?

No comments:

Post a Comment