Dalawang buwan na ang nakakaraan
Nang magsimula ang sumpang sabbatical;
Labing-anim na linggo pa, aba naman!
Matira ang matibay, hanggang mabungal.
Sulit na sulit itong Gold's Gym membership,
Baka magkaroon pa nga ng abs sa pwet;
Kumpleto ang tulog, pahinga, at idlip –
'Wag lang aangal ‘pag likod ay sumakit.
Memoryado na yata ang soundtrack ng Glee,
Paulit-ulit ang tugtog sa mp3;
Palaging updated ang status sa Facebook,
‘Di nahuhuli sa pag-comment, “like” at “poke.”
Todo-todo ang pakinabang ng health card
Sa oral prophylaxis, pasta, at checkup;
Kahit na aktibo pa rin ang Cocolife,
Magamit ito’y ‘di kaylanman hinangad.
Bakasyon na noo'y mahirap makamtan,
Ngayo'y anim na buwang pagsasawaan;
Nguni't perang naipo'y baka magkulang –
Nagdarasal na sana’y ma-retrench nalang.
ikaw naman ang magaling sa Tagalog.... anyway, kakabasa ko lang po nung comment nyo and salamat po sa insights....
ReplyDelete