Saturday, August 6, 2011

3

Tatlo.
Tatlumpung taon.
Tatlumpung taon na ako.
Tatlumpung taon na akong may layon.
Tatlumpung taon na akong may layong mabuo.

Ilan?
Ilan pa kaya?
Ilan pa kayang baitang?
Ilan pa kayang baitang ang kaya?
Ilan pa kayang baitang ang kayang tuntungan?

Kaylan?
Kaylan dadanas?
Kaylan dadanas sa buhay?
Kaylan dadanas sa buhay ng wagas?
Kaylan dadanas sa buhay ng wagas at tunay?

Saan?
Saan kukuha?
Saan kukuha ng tama?
Saan kukuha ng tamang panukat?
Saan kukuha ng tamang panukat at sukat?

No comments:

Post a Comment